walang sining sa pader...
ito'y tahimik lamang na saksi..
hindi gumagalaw, nagmamatyag lamang...
walang kumento,
walang pag husga...
nananatiling payapa at matatag.
walang sining sa pader...
walang pintura,
walang nakasabit na kwadro...
magaspang,
matigas,
hindi natitinag!
walang sining sa pader...
umiyak ka't tumawa;
ang pader ay walang pakialam!
ang pader ay pader!
pader...
maniwala ka!
walang sining ang pader!
No comments:
Post a Comment