Human is condemned, nobody can save him. His inconsistency is rampant and his evil deeds and weaknesses always prevail. Human never admits defeat, though he faces life with uncertainty. He beholds on his wit and intelligence, he keeps on fighting although defeated. There is great indignation in human. I am anti human. And yet, I am a human.

Tuesday, October 22, 2013

Hindi Kita Gusto (2006)

Nang ako'y magtapat, pag ibig sa iyo, 
Ang isinagot mo’y "hindi kita gusto!"
Pinabayaan kang mag-isip ng husto,
Ngunit tugon pa ri’y "Hindi kita gusto!" 

Minsa’y inabutan ng pulang rosas ko, 

Ngunit umirap ka’t "Hindi kita gusto!" 
Ipinadala ko’y singsing namang ginto, 
Ngunit ibinalik, "Hindi kita gusto!" 

Anu mang ialay, ibigay sa iyo, 

Ang tugon momg lagi’y "Hindi kita gusto!" 
Sa tuwituwinang lalapit sa iyo, 
Ang sinasabi mo’y "Hindi kita gusto!" 

Hanggang sa lubusang napagod ang puso, 

Manhid sa katagang "Hindi kita gusto!" 
Doon ko naisip na sa yo’y lumayo 
At sinabi ko ring "Hindi kita gusto!" 

No comments:

Post a Comment